Hinimok ni Sen. Kiko Pangilinan ang gobyerno na paigtingin pa rin ang paghihigpit sa kabila nang natukoy ang pagpositibo ng ilang baboy sa bansa sa sakit na African swine fever (ASF).
Ang paghihigpit ay mas kailangan umano, hindi lamang sa mga entry points ng bansa kundi maging sa domestic travels.
Kasabay nito, hinikayat ng dating Agriculture secretary ang mga stakeholders na makipagtulungan upang mapangalagaan ang swine industry sa ating bansa.
Samantala, isang magbababoy naman mula sa Antipolo, Rizal ang umaming kahit isinailalim sa “culling” o pagpatay ang kaniyang mga baboy, may lima pa rin umano silang naitago mula sa mga otoridad.
Para sa DA, mapanganib ang ganitong mga hakbang dahil maaaring magbunsod ito sa patuloy na pagkalat ng sakit ng mga alagang hayop.