-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan sa lungsod kasunod ng kidnapping incident sa Maypajo, Caloocan.

Inatasan ng alkalde ang binuong Aksyon at Malasakit Task Force lalo na ang kapulisan na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga paaralan lalo na tuwing oras ng pagpasok at paglabas ng mga estudyante.

Sa isang statement, sinabi ng alkalde na agad din niyang ipinag-utos ang imbestigasyon sa insidente sa tangkang pag-kidnap sa 2 bata.

Ayon sa Caloocan City Police Station (CCPS), ang suspek ay residente ng Sta. Ana, Manila at ang kaso ay ikinokonsidera bilang isolated incident lamang

Ibinunyag ng mga awtoridad na ilang araw ng hindi kumakain ang suspek at dati na ring naikulong noong Disyembre dahil sa drug-related charges.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at humaharap sa kasong attempted kidnapping.

Samantala, tiniyak naman ng alkalde sa mga residente na nakahanda ang mga barangay at police personnel na rumesponde sa anumang banta sa seguridad sa lungsod.