-- Advertisements --
Itinuturing ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na panandalian lamang ang paghina ng peso kontra sa US dollar.
Sinabi ni , BSP Senior Assistant Governor Iluminada Sicat, na nagkakaroon lamang ng market sentiment na pumapaloob sa US Federal Reserve.
Malaki ang impluwensiya din ng supply and demand ng foreign exchange.
Umaasa ito na sa mga susunod na buwan ay makakabawi ang peso kontra dolyar.
Mula kasi noong Mayo ay nasa P58 na ang katumbas ng $1.