-- Advertisements --
Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi apektado ang kanilang ipinapatupad na polisiya kahit na humina ang peso kontra sa dolyar.
Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr na ang pagbababa ng halaga ng local currency sa halos 17-month low ay hindi sapat para makaapekto sa inaasahan nilang inflation.
Maaring mangyari lamang ito kapag naganap ang paghina ng peso sa last quarter ng taon.
Dagdag pa nito na hindi humihina ang performance ng peso sa merkado at sa katunayan ay ito ay nag-aadjust dahil sa mga nagaganap na tensyon sa Middle East at ilang nakukuhang negatibong tugon sa US Federal Reserve.
Magugunitang nitong Martes ay humina ang peso kung saan ang $1 ay katumbas ng P57 na siyang pinakamababa sa halos 17 buwan.