-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi katanggap-tanggap ang simpleng paghingi paumanhin ng Commission on Elections (Comelec) sa kinaharap na ‘set back’ kung saan nasasayang lang ang inisyal anim na milyong official ballots para sa 2025 elections.

Ito ang reaksyon ni Kontra Daya convenor Danilo Arao sa sinapit ng Comelec preparation para sa May 12 elections dahil nilabasan ng temporary restraining order ng Korte Suprema ang umano’y pagbalewala ng limang personalidad nakahain ng certificate of candidacies subalit hindi pinayagan dahil sa iilang kadahilanan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Arao na dahil sa umano’y kapabayaan ng ahensiya ay nauwi sa pagkasayang ang nagamit na pera sa sinimulan na pag-imprinta ng mga balota sa national at local elections.

Sinabi nito na hindi handa ng pagkalahatan ang Comelec dahil mas inatupag ang pagpigil maging mga kandidato ng local position ang apat na aspirants at isang senatorial prospect dahil tinamaan ng ilang mahigpit na batayan kaugnay sa paparating na halalan.

Magugunitang kusang sisirain ang nasabing mga balota at mag-imprinta ulit upang ihabol ang mga pangalan ng limang political aspiring candidates na unang dumulog sa Korte Suprema patungkol sa isyu.