-- Advertisements --

Armyga

Welcome sa pamunuan ng AFP ang paghirang ng Pangulong Duterte kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang ika-54th AFP Chief of Staff kapalit ni AFP Chief Felimon Santos Jr. na magreretiro na sa serbisyo sa August 3.


Ayon kay AFP spokesperson MGen. Edgard Arevalo, ang integridad, experyensiya, at taus-pusong pagmamalasakit sa tao ni Gen. Gapay ang kanyang “assets” sa pamumuno sa AFP sa gitna ng pandemya at pinaigting na anti-terror campaign.

Sinabi ni Arevalo, ang pamumuno ni Gapay ay batay sa pilosopiya na nagbibigay ng prayoridad sa kapakanan ng kanyang mga tauhan at pagpapahalaga sa suporta ng mamayan sa misyon ng AFP.

Si Gen. Gapay ang class valedictorian ng PMA “Sinagtala” Class of 1986, mistah nito sina AFP chief Santos, PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa at Sen. Ronald Dela Rosa.

Malawak ang naging karanasan ni Gapay sa Field Operations, Intelligence, Civil Military Operations, Education and Training at resource management batay sa ibat-ibang posisyon na kaniyang hinawakan.