Binabantayan ng Philippine Navy ang umanoy ginagawang paghuhukay ng mga tropa ng Vietnam sa WPS.
Ito ang kinumpirma ni Phil Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad. Ayon kay Trinidad, nangunguna ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbabantay sa ginagawang ito ng Vietnam.
Ayon kay Trinidad, matagal nang nagsasagawa ng dredging operations ang Vietnam sa ilang mga bahura malapit sa kanilang teritoryo, sa kabilang ng maritime conflict sa kabuuan ng West Phil Sea.
Batay sa hawak na datus ng Phil Navy, tinatayang 280 ektarya na ang na-reclaim ng Vietnam sa kanilang inaangkin na teritoryo sa WPS, kasabay ng patuloy na pagpapalawak sa ilang bahura malapit sa kanilang bansa.
Naniniwala ang opisyal na ang Vietnam ang may pinakamalaking nasakop sa WPS, mula sa pitong mga bansang nag-aagawan dito, kabilang ang Pilipinas at China.
Kabilang sa mga inaangkin ng naturang bansa ay ang Discovery Great Reef, Namyit Island, Pearson Reef, atbpa.
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na maganda ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam, lalo na kung ikukunsidera ang mga aksyon ng dalawa