ILOILO CITY – Nararapat na dumaan sa due process ang paghuli sa mga bilanggong nabigyan ng Good Conduct Time Allowance.
Ito ang reaksyon ang Commission on Human Rights may kaugnayan sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sumuko ang mga
bilanggo na nabigyan ng Good Conduct Time Allowance sa loob ng 15 araw dahil kung hindi, maituturing ang mga ito na fugitive.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jonnie Dabuco, Regional Director ng Commission on Human Rights 6, sinabi nito na ang mga naka benepisyo ng Good Conduct Time Allowance ay hindi maaaring hulihin ng otoridad kung walang court order o warrant of arrest.
Ayon kay Dabuco, ang korte suprema lamang ang makakapagdeklara na null and void o walang bisa ang release order ng isang bilanggo.
Inihayag rin ni Dabuco na maaari ring arestuhin ang mga bilanggo kung ipinag-utos ng Department of Justice ang warrantless arrest kabilang na ang mga walang release order.