Isinusulong ang isang Fil-Am ng maraming grupo ng mga Asian American at Pacific Islander o AAPI , elected officials, community leaders at advocacy groups kay California Governor Gavin Newsom na italaga ang Fil-Am na Assemblyman na si Rob Bonta bilang Attorney General.
Si Bonta ay ang kauna –unahang mambabatas na Filipino- American ng nasabing estado na muling nahalal noong at ito na ang kanyang panlimang termino bilang kumatawan sa 18th assembly district , na binubuo ng East Bay Areas ng Oakland , Alameda at San Leandro.
Ito ay ay kasalukuyang Assistant Majority Leader at umuupo sa maraming komite kabilang na sa appropriations at health.
Si Bonta ay ipinanganak sa Quezon City bago nag migrate ang kanilang pamilya.
SA kasagsagan ng Martial Law Amerika kung saan nagtatrabaho ang kanyang mga magulang sa united farm workers sa Central Valley na nag oorganisa ng mga manggawang Pilipino at Mexicano.
Bago naging Assemblyman si Bonta ay Deputy City Attorney ng San Francisco sa loob ng isang dekada at umupo ring director ng Alameda Health Care District at naging Vice Mayor ng Alameda.
Sakaling makuha ni Bonta ang puwesto sya ang kauna –unahang Fil- Am na magiging Attorney General ng California.
Maging ang Fil- Am Hollywood actor na si Lou Diamond Philips ay suportado si Bonta.