Binigyang diin ng isang maritime expert na ang pagiging mas bukas sa mga isyu sa West Philippine Sea ay maaaring bahagi ng paradigm shift sa isyung ipinahiwatig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay maritime security expert na si Ray Powell, ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa ay nakinabang sa Pilipinas.
Matatandaan na sinabi ni Pang. Marcos na ang mga diplomatic efforts sa China ay napupunta sa mahinang direksyon at kailangang magkaroon ng bagong diskarte sa tensyon sa bahagi ng West Ph Sea sa loob ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.
Ayon kay Powell, ang Pilipinas ay naging mas bukas tungkol sa mga insidente at komprontasyon sa West Philippine Sea, at sinabing ang bansa ay ipinakita sa mundo kung ano ang nangyayari.
Si Powell, isang dating opisyal ng US Air Force, ay nagsabi na ang pagtaas ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa, kabilang ang US, UK, Australia, Canada at Japan, ay nagdala sa ating bansa ng mga kagamitan at tulong sa maritime security.
Gayundin ng suporta mula sa international community.
Una na rito, mas tumitindi kasi ang mga nagaganap na iligal na aksyon ng CHina laban sa mga barko ng Pilipinas sa bahagi ng pinagtatalunang karagatan na West Ph Sea.