Welcome sa Malacañang ang pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na pagsapit ng taong 2025, magiging isang “cashless society” na ang Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa sa mga naging karanasan ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic ay ang pangangailangan na maging “cashless society” ang bansa.
Ayon kay Sec. Roque, bukas ang Malacañang sa pahayag ni Governor Diokno na pagsapit ng 2023, 50 percent ng mga transaction sa bansa ay cashless na rin.
Inihayag ni Sec. Roque na ilang lugar na rin sa bansa ang tumatangkilik ng “cashless transactions” at mainam ito lalo’t ang paghawak ng pera ay isa sa mga paraan kung bakit kumakalat ang COVID-19.
“Nagsimula na po iyan doon sa aming siyudad ng Baguio, napakadami na pong gumagamit ng cashless transactions at alam naman natin iyong paghawak ng pera, isa po iyan napatunayan ng pamamaraan kung paano kumakalat ang COVID-19,” ani Sec. Roque.