Tinawag pa ni US President Donald Trump na “blessing in disguise” ang pagkakahawa niya sa COVID-19.
Ginawa ni Trump ang pahayag sa kanyang video record sa labas ng Oval Office.
Ayon sa Presidente, ang pagka-confine niya ng ilang araw sa ospital ay nagbukas sa kanya sa kagalingan ng mga bagong gamot laban sa COVID.
Partikular na tinukoy niya ang gamot na Regeneron na siyang nagpalakas daw kaagad sa kanya.
Ang Regeneron ay nasa ilalim pa ng US Food and Drug Administration experimental therapy o clinical trials upang malaman kung epektibo nga ba ito bilang COVID-19 drugs.
Inihayag din ni Trump na kanya raw iniutos na bigyan din ng libreng gamot ang mga nagkakasakit sa kanilang bansa na nasa pagamutan.
Pero aminado ito na sa isyu naman ng vaccine baka pagkalipas na lamang daw ng halalan.
Anuman daw ang espesyal na treatment sa kanya, dapat ‘yon din daw ang ibigay sa mga Amerikano.
Samantala, mula nang makumpirma na COVID-19 positive si Trump, dumami pang mga White House staff na ang nahawa na rin.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod kasama na ang First Lady Melania Trump:
Hope Hicks
Aide to the President
Kayleigh McEnany
White House press secretary
Nicholas Luna
Assistant to the President
Mike Lee (R-UT)
US senator
Thom Tillis (R-NC)
US senator
Ron Johnson (R-WI)
US senator
Kellyanne Conway
Former counselor to the President
Chad Gilmartin
White House principal assistant press secretary
Karoline Leavitt
White House assistant press secretary
Stephen Miller
Senior adviser to the President
Bill Stepien
Trump campaign manager
Ronna McDaniel
RNC chairwoman
Chris Christie
Former governor of New Jersey