Muling minaliit ng Palasyo ang mga ispekulasyon kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos maging usap-usapan na tila nanghihina ang 74-anyos na pangulo partikular sa pinakabagong dinaluhang event na graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) graduation sa Baguio City kahapon.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, “in good health” ang pangulo at patunay dito ang nakatakdang biyahe sa Tokyo para sa official visit alinsunod sa imbitasyon ni Japanese Prime Minister Abe.
“To the people who wish him to be seriously ill, they will be disappointed. To those who are concerned about his well being, they should be assured that apart from what he already told the public of what ails him (which is not life threatening) the President is in good health, robust enough to be traveling to Japan for an official visit upon the invitation of Prime Minister (Shinzo) Abe,†saad ni Panelo.
Una nang nilinaw ng Palace spokesman na dalawang oras lamang ang naging tulog ni Pangulong Duterte bago ang PMA event kaya dalawang oras na-late at sa unang pagkakataon ay ipinaubaya kay Defense Sec. Lorenzana ang pagbibigay ng diploma sa mga PMA graduates.
“He usually sleeps at 6 a.m. He had to wake up at 8:30 a.m. for the PMA graduation rites so he had only two hours of sleep. The event at 9 a.m. was part of his sleeping time. He is a night person. He was so sleepy when he arrived at the venue. He struggled to be awake,†ani Panelo.
“He opted to let SND (Lorenzana) did the handing of certificates. He reserved his energy for the other ceremonial acts he had to perform for the graduation rites,†dagdag nito.
Samantala, dinipensahan ng Malacañang ang rape joke ni Pangulong Duterte sa harap ng mga graduating cadets.
Giit ni Panelo, nagpapatawa lamang ang pangulo kung kaya dapat nang masanay ang publiko lalo’t natatawa rin naman daw ang mga ito.
“He made some mischievous remarks to make people laugh. People have been so used to his jokes hence his audience always receive them with hearty laughter,†paliwanag ni Panelo.
Kung maaalala, tinanong muna ng pangulo ang mga kadete ng PMA kung ano ang naging kasalanan bago bigyan ng pardon.
Una ayon kay Duterte ay rape, ikalawa drugs with rape with robbery, at ikatlo ay ang pangri-rape sa mga babae sa Baguio City.
Biro nito na mistulang New Bilibid Prisons na sa Muntinlupa City ang PMA at tila naging pulis na ang mga kadete dahil sa ilang mga nasangkot sa kalokohan.
Nabatid na makailang beses nang binatikos ang pangulo dahil sa palaging pagbibiro ukol sa pangri-rape sa magagandang babae.