-- Advertisements --

NAGA CITY – Tahasang sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Izagani Zarate na isang uri ng pagsuko ng karapatan ng isang bansa ang ipinapakitang reaksyon ng pamahalaan sa Recto Bank issue.

Sa pagharap ni Zarate sa mga kagawad ng media sa Naga City, sinabi nitong ang hindi direktang pag-aksyon ng pamahalaan sa pangmamaliit sa mga mangingisdang Pinoy ay tila pagsuko na rin sa pagiging mamamayan ng mga ito.

Aniya, sa ngayon nagsisilbi na rin ang pamahalaang ng Pilipinas bilang tagapagtanggol ng China.

Dahil sa nangyayari, mas magle-level up pa aniya ang pangbu-bully ng China dahil sa halip na labanan ay pinapabayaan lamang ito ng gobyerno.

Dagdag pa ni Zarate, kung dati mga simpleng bagay lamang ang ginagawa ng China para itaboy ang mga mangingisdang Pinoy ngunit sa ngayon mas lumalala na aniya ito at baka dumating ang panahon na pagbabarilin na lamang ang mga Pinoy sa loob ng mismong teritoryo ng Pilipinas.