-- Advertisements --

Umani ng magkakahalong reaksyon sa pagiging nasa pang 71 ang ranking ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ng ESPN top 100 professional athletes.

Sinabi ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala, na isang kalokohan na hindi kasama ang pangalan ni Pacquiao sa Top 50.

Sa listahan kasi ng ESPN ay mas mataas pa ang ranking nina Kevin Garnett na nasa pang-23, Dwayne Wade na nasa pang-35, Jason Kidd na nasa pang-69.

Si Pacquiao na tanging eight-division world champion sa kasaysayan ng boxing ay nag-iisa sa tatlong boksingero sa listahan na kinabibilangan nina Floyd Mayweather na nasa pang-25 at Bernard Hopkins na nasa pang-78.

Nangunguna sa listahan ng ESPN Top 50 athletes since 2000 ay si Michael Phelps, na sinundan ni Serena Williams, Lionel Messi sa pangatlong puwesto at LeBron James sa pang-apat na puwesto.