-- Advertisements --

Papayagan na ng Spain na muling bumisita sa kanilang bansa ang mga turista bilang sa kabila nang patuloy na dumdadaming kaso ng coronavirus sa South America.

Ito’y matapos pumalo ng mahigit 22,000 ang coronavirus death sa Brazil habang 349,113 naman ang kumpirmadong kaso ng sakit.

Inanunsyo ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez ang panunumbalik ng turismo sa kanilang bansa at pagpapatuloy ng mga football matches.

Siniguro rin ni Sanchez ang kaligtasan ng mga indibidwal na nagnanais na bumisita sa kanilang bansa simula Hulyo 1.

Samantala, nangunguna pa rin ang Amerika sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ngunit tuloy pa rin si President Donald Trump na buksan ang ekonomiya ng bansa kahit na mariin itong tinututulan ng mga health experts.