CAGAYAN DE ORO CITY – Umuusad na ang paghahanap hustisya ng pamilya Adiong laban sa umano’y mga kilabot na miyembro ng drug syndicate na itinurong nasa likod pagtambang sa convoy ni Lanao del Sur Provincial Gov. Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr.
Binanggit ni Lanao del Sur Provincial Police Office spokesperson Police Maj. Alvison Mustapha ito dahil tuluyan nang nasampahan ng patung-patong na kasong kriminal ang grupo na responsable pag-ambush kay Adiong na nag-resulta pagkasawi ng kanyang apat na security escorts nang ma-corner sa Barangay Bato-Bato,Maguing.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Mustapha na gustuhin man nila na banggitin ang pangalan sa tatlo sa maraming nagsilbing akusado subalit may utos ang Camp Crame na iwasan muna habang hindi pa lumabas ang warrant of arrest mula sa korte.
Dagdag ng opisyal na maging tuluyan na lutas lamang ang itinuring nila na ‘case cleared’ na legal action kung hawak ng gobyerno ang binanggit na mga suspek.
Magugunitang umani ng mariing na pagkondina ang mula sa national government ang pananambang kay Adiong subalit makalipas lamang ang ilang araw at linggo ay tatlong local govt unit officials pa sa magkaibang bahagi ng bansa ang inatake ng magkahiwalay na salarin.