DAVAO CITY – Nagpaliwag ang kompanya na nasa likod ng Davao City Bulk Water Supply Project, sa pagka antala ng pagbubukas ng nasabing proyekto.
Matatandaang una ng inaasahan ang pagbubukas ng nasabing proyekto ngayong Marso nitong kasalukuyan.
Ayon kay Anna Lu, presidente ng Apo Agua Infrastractura, Inc. dahilan ng pagka antala sa proyekto ang sunod-sunod na pag ulan na nararanasan nitong mga nakalipas na araw.
Idinagdag pa ang ilang pipelines na nasira sa kalagitnaan ng pagsasaayos ng isang contractor.
Kailangan din umanong ma-disinfect ang dadaluyan ng tubig upang masegurong walang debris at sediments na mahahalo sa tubig.
Bagama’t hindi na nagbigay ng eksaktong petsa sa pagsisimula sa proyekto ang Apo Agua, pero sineguro ng kompanya ang malinis na suplay na tubig sa Tugbok area mula ngayong buwan.
Una nang gikumpirma sa Apo Agua noon Enero na magiging fully operational na ang irrigation system sa Davao City sa katapusan ng Marso nitong kasalukuyan.