KALIBO, Aklan—Nakapukaw sa atensyon ng Filipino community sa Indonesia ang pagka-aresto kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Tangerang City, Jakarta sa nasabing bansa.
Ngunit ayon kay Bombo International Correspondent Rudy Gealogo Celeste, naninirahan at nagtatrabaho sa Tangerang City na sadyang maingat ang Indonesian authorities sa pagbibigay ng dagdag na detalye sa pagka-aresto kay Guo.
Posible aniya na ibinigay nito ang karapatan sa Pilipinas sa pagpapalabas ng detalyadong impormasyon hinggil sa nasabing isyu.
Hanggang sa wala umanong ipinalabas na official statement ang pamahalaan ng Indonesia ay hinid ito masyadong tinatalakay sa mga diyaryo, telebisyon , radyo, social media at ng mga concent creators.
Sa kabaling dako, ang Tangerang City aniya ay doon makikita ang international airport ng Indonesia at isa sa mga pinakatanyag na lungsod na binibisita ng mga turista sa nasabing bansa.
Ayon pa kay Celeste na sa kasalukuyan ay nakaantabay ang mga Pinoy sa dagdag na mga impormasyon kahit na noon pa man ay napabalitang nasa Indonesia si Guo ngunit kultura aniya ng mga Indonesians na hindi pumapansin sa mga bagong salta sa kanilang lugar at hindi pinapangunahan ang gobyerno.