Inulan ng maraming tanong ang Comelec sa pagka-delay sa pagpapalabas ng inisyal na resulta sa katatapos na halalan.
Dahil dito todo paliwanag si Comelec Spokesman Jimenez kunng anong nangyari at nabalam ang pagbibibigay ng transparency server ng data sa mga media outlets.
Una rito, sumugod si Jimenez sa Pope Pius Center sa maynil kung saan doon nakalagay ang transparency cerver at ang operation quick count ng KBP at PPCRV.
Nilinaw ni Jimenes na walang problema sa transparency dahil ito rin ang kahalintulad na sistema na kanilang ginamit noong 2016 elections.
Ang nagkaproblema raw ay ang “pag-push” ng data patungo sa iba’t ibang terminal ng media outlets para sa parallel operation quck count.
Aniya kung tutuusin nasa 80 porsyento na ang data na nagmula sa mga vote counting machines patungo ng central server ng Comelec hanggang sa transparency server.
Dahil sa aberya agad na nagsagawa ng emergency meeting nitong gabi ang Comelec en banc upang payagang silipin at tingnan ang program sa transparency server.
“Kabilang sa gagawin sa pagbukas ng server ay ang pagsusuri sa error logs to get to the bottom of program problem, and fix the issue,” wika pa ni Kimene