Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na ang pagka-delay ng pagpapalabas nila sa certified list of voters sa halalan sa darating na Mayo ay hindi makakaapekto sa halalan.
Ayon kay Comelec Director III ng Education and Information Department Atty. Ellaiza Sabile-David, marami pang proseso na pinagdadaanan ang mga balota kaya nade-delay ang paglalabas nila ng voter’s list.
Kabilang aniya sa prosesong ito ay ang pagsasala sa mga botante na may mga multiple registrations.
Batay sa Comelec resolution ang deadline ng posting ng certified list of voters ay sa March 29.
Inaasahan ng Comelec na aabot sa 67.5 million voters ang rehistrado sa general elections.
Karamihan sa mga botante ay nasa pagitan ng 30-59 years old age o kaya nasa “mid-range.”