-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinuwestiyon ng isang geo-political analyst ang kumpletong pananahimik ng Malakanyang kasama ang security sector patungkol sa nakompiska na 100 kilo ng uranium materials na pangsakap paggawa ng nuclear weapons na malubhang mapanganib sa pangkalahatang seguridad ng buong mundo.

Kaugnay ito sa huli nang pagsiwalat ng National Bureau of Investigation na naka-aresto sila ng tatlong personalidad na nakunan ng uranimum materials sa tatlong magkaibang lokasyon kasama na ang Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Professor Anna Malindog-Uy isang nakababahalang national security threat ang pagkasamsam ng radio active materials subalit tahimik lang ang mga ahensiya na dapat nasa frontline pagdating sa usaping ito.

Ito ang dahilan na dapat maglabas ng pahayag ang kinaukulang ahensiya sapagkat seryosong usaping pang-seguridad ang nakompiska ng NBI mula sa dalawang personalidad sa Pasay City maging sa Cebu City at lungsod ng Cagayan de Oro noong nakaraang mga buwan.

Maguguntiang sa inilabas na impormasyon na kabilang sa mga inaresto ay sina Mae Vergel Zagala kasama si Arnel Santiago sa Pasay City at Roy Vistal naman ng Cagayan de Oro na parehong nahaharap ng kasong paglabag sa Atomic Energy Regulatory and Liability Act (Republic Act 5297).