-- Advertisements --

MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na hindi ang COVID-19 vaccine na itinurok sa isang lalaki sa Caloocan City ang dahilan kung bakit ito inatake ng stroke.

“The COVID-19 vaccine did not cause the stroke; the adverse event is inconsistent with the causal association to the vaccine; and the adverse event is coincidental to underlying or emerging conditions of the patient,” ayon sa mga ahensya.

Paliwanag ng DOH at FDA, agad kumilos ang Regional Adverse Events Following Immunization Committee (RAEFIC) at nagsagawa ng casualty assessment matapos lumutang ang report.

Noong April 8, nag-viral ang Facebook post ng isang babae sa Caloocan City tungkol sa 54-anyos niyang tatay na na-stroke umano matapos umanong turukan ng coronavirus vaccine.

“The DOH and FDA remind all vaccination sites to strictly follow screening protocols in the assessment of potential vaccine recipients.”

“The public is also called on to fully disclose their underlying conditions during registration for the COVID-19 vaccine.”

Binigyang diin ng mga ahensya na ligtas at epektibo ang mga bakuna bilang proteksyon laban sa malalang anyo ng coronavirus.

Nanawagan din ang Health department at FDA sa natitirang populasyon, lalo na ang mga nasa priority list na magpabakuna para ma-protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.

Batay sa huling tala ng DOH, aabot na sa 853,209 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng pandemic na COVID-19 sa Pilipinas.