-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hinihiling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Cordillera ang pang-unawa ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa pagkakaantala nang pamamahagi sa mga cash grants bago ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

Ipinaliwanag ni Fatima Florendo, 4Ps Coordinator ng DSWD-Cordillera na naantala ang pamahagi sa benepisyo dahil sa election ban.

Aniya, posibleng maibigay ang cash grants sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Hunyo.

Kasabay nito ay ipinaalala ni Florendo na mababawasan ang cash grant na matatangpp ng benepisyaryo kung hindi regular ang pag-aaral ng anak nito o kung kabilang ito sa mga dropouts.

Magtatayo ang DSWD-Cordillera ng special desk para matugunan ang mga reklamo hinggil sa implementasyon at sa mga alintuntunin ng 4Ps.