-- Advertisements --
VIGAN CITY – Hindi na umano papayag ang mga senador na maantala pa ang pag-apruba sa 2021 proposed national budget matapos ang ilang delay sa pagpasa nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Senador Imee Marcos, chairman ng Senate Cultural Communities Committee, pipilitin umano ng mga mambabatas na tapusin sa abot ng kanilang makakaya ng hindi na maulit muli ang pagkaantala sa pondo.
Aniya, galit na ang mga tao sa dami ng nangangailangan ng tulong at hirap na kanilang nararanasan ngayong panahon ng pandemya.
Kung maalala P4.5 trillion ang pambansang pondo na nakalaan para sa taong 2021.