-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patunay lamang sa maigting na kampanya ng gobyerno kontra sa rebeldeng grupo ang pagkakaaresto ng mga otoridad kay Ka Frank Fernandez, isang dating pari at tagapagsalita ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.

Nabatid na naaresto si Fernandez sa joint operation ng Philippine Army at Laguna Provincial Police Office sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Calumbang, Nagcarlan, Laguna.

Ayon kay Madrigal, ang pagkakahuli kay Fernandez ay nagpapakita lamang na desidido ang gobyerno sa pagsawata sa mga rebelde.

Nabatid na si Ka Frank ay nahuli ilang araw lamang matapos dakpin ng NDFP peace consultant na si Renante Gamara sa Imus City, Cavite noong nakaraang linggo.

Matagal nang wanted si Ka Frank dahil sa kaso nitong 4 counts of murder at attempted murder.