-- Advertisements --

Umani ng paghanga mula sa iba’-ibang sports officials at atleta ng bansa sa pagkahalal bilang International Olympic Committee Executive Board na si Mikaela “Mikee” Cojuangco-Jaworski.

Kasama kasi ni Mikee ang kapwa equestrian na si Gerardo Wethein ng Argentina na nahalal bilang IOC Executive Board.

Isinagawa ang botohan sa pamamagitang virtual voting na siya ring kauna-unahan nitong Biyernes.

Magsisilbi ang dalawa sa posisyon sa loob ng limang taon.

Ang 46-anyos na si Mikee ay 2002 Asian Games at 2005 Southeast Asian Games gold medalist na naging IOC representative mula 2013.

Kasalukuyan siyang chairman ng Commission for Olympic Education.