-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batanes ng supply ng malinis na inuming tubig para sa mga biktima ng lindol kanina sa Itbayat.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PDRRMO Officer Roldan Esdicul, nasira ang water system sa Itbayat at dinala nila sa plaza ang mga mamamayan matapos ang paglindol.

Ayon kay Esdicul, nakakaramdam pa sila ng aftershocks kung saan kaninang 7:37 ay mas malakas pa sa lindol noong alas 4 ng madaling araw.

Karamihan umano sa mga nasawi at nasugatan ay nadaganan ng mga malalaking bato na karaniwang ginagamit sa mga bahay at istruktura.