-- Advertisements --

Naniniwala si Bataan Representative Geraldine Roman na ang pagkaka-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte kaninang umaga ay isang moral victory para sa mga pamilya na nasawi sa madugong drug war campaign ng Duterte administration partikular sa mga nanay, asawa at mga anak na babae.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Roman malakas na mensahe din lalo na ipinagdiriwang ang Women’s month kung saan walang lugar sa bansa ang impunity at itinataguyod ang rule of law.

Binigyang-diin ni Roman na walang makakalampas sa sakit na dinaranas ng isang ina na nawalan ng anak.

Aniya, maraming mga Filipino ang sumuporta sa kampanya, subalit ang brutal at unlawful nature nito ay nadiskubri sa kalaunan.

Hinimok naman ni Roman ang publiko na manatiling vigilant na walang mga lider sa hinaharap na gumamit ng excessive force at abuse power.

Aniya, hindi maari na ang police force natin ay magagamit bilang private army na lumalabag sa batas.