Nagsagawa ng motu-proprio investigation ang Regional Internal Affairs Service-National Capital Region (RIAS-NCR) kaugnay sa pagkakaaresto kay P/Supt. Lito Cabamongan na naka-assign sa General Services Section Crime Laboratory.
Dahil sa nasabing kaso kaagad gumawa ng aksyon ang PNP Internal Affairs Service.
Ayon kay IAS deputy inspector general, Director Leo Angelo Leuterio na kaagad sila rumisponde sa reklamo lalo na sa mga PNP officials na sangkot sa iligal na aktibidad.
Kaya naman kaagad isasailalim sa imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang administrative sanctions ang mga ito.
Ayon naman kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, anumang uri na pagkakasangkot sa iligal na droga ng mga police personnel ay kanilang pinagtutuunan ng pansin.
“IAS will continue to act promptly in conducting investigations on cases involving our police officers as we support the PNP institutions’ intensified internal cleansing campaign,” wika ni Triambulo.
Inihayag ni Triambulo na agad silang magsusumite ng rekomendasyon sa office of the chief PNP sa lalong madaling panahon.
Kung maalala, naaresto si Cabamongan habang nagpa-pot session sa Las Piñas City.