-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Department of Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman ang pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation sa walong indibidwal na nagpapanggap na empleyado ng ahensya para makapanloko.

Kasunod nito ay naglabas ng babala ang ahensya sa publiko na mag-ingat sa mga indibidwal o grupo na lalapit sa kanila para magpakilalang bahagi o konektado sa ahensya.

Kung maaalala, inaresto ng mga operatiba ng NBI sa isinagawang entrapment operation ang mga suspect noong March 26, 2024 sa Mandaluyong City.

Nadiskubre rin ng NBI na nagpapanggap ang isa sa mga suspect bilang Usec. ng ahensya.

Nilinaw rin ni Sec. Pangandaman na hindi konektado sa kanilang kagawaran ang mga nasabing indibidwal.

Tiniyak din nito na mahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso upang hindi na pamarisan pa ng iba.