Malaking bagay para sa pamahalaan ang pagkaka-aresto ng mga government forces sa mga magulang ng Maute brothers.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaking dagok sa Maute ang pagkaka-aresto sa mag-asawang Maute lalo na sa support system ng teroristang grupo.
“Her arrest dealt a severe blow on the terrorist support system and bears negative on the disposition of the Mautes,” wika ni Lorenzana.
Sinabi ni Lorenzana na lubos na nirerespeto ng mga Maute ang kanilang nanay at tatay kung kayat mahagalaga ang kanilang pagkaka aresto.
Giit ng kalihim na ang Maute couple ang siyang financier at adviser ng teroristanf grupo.
“@Farhana is the proclaimed local terrorist groups adviser, financier and provider owing to her vast financial resources drawnn locally and abroad, she wields strong influence on the Maute children,” pahayag ni Lorenzana.
Una ng sinabi ng AFP na si Ominta Maute alias Farhana ay may matinding kuneksiyon sa international terrorist group .
Kaya marami ang dapat ipaliwanag ng ginang sa otoridad.
Tikom naman ang bibig ng militar kung saan ngayon nakakulong ang Maute matriarch.
Habang nasa kustodiya naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Cayamora Maute matapos maaresto sa Davao City.