Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matanggap ang Pilipinas sa dirty money grey list ng Financial Action Task Force (FATF) na nakabase sa Paris, na pakikinabangan ng mga overseas Filipino worker (OFWs) dahil bababa ang singil sa kanilang remittance na ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa bansa.
Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang malawak na epekto ng pagkakatanggal ng Pilipinas sa grey list hindi lamang sa mga OFW kundi maging sa mga nagnenegosyo sa bansa.
Itinuturing naman ito ng Speaker bilang makasaysayang tagumpay ng administrasyong Marcos na isa umanong patunay ng pagsusumikap ng bansa sa pagkakaroon ng integridad sa pananalapi, transparency, at pandaigdigang pamumuno sa ekonomiya.
Napasama ang Pilipinas sa FATF grey list noong Hunyo 2021 o noong nakaraang administrasyon.
Iginiit din ng lider ng Kamara ang malaking ambag ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng reporma sa lehislasyon sa pagpapalakas ng anti-money laundering at counter-terrorism financing framework ng bansa, na kabilang sa pangunahing kondisyon para maalis ang Pilipinas sa listahan.
Para sa larangan ng pagnenegosyo, tinukoy ni Speaker Romualdez na mapapalakas nito ang tiwala ng mga mamumuhunan, makaka engganyo ng foreign direct investment (FDI), at mapapaigting ang relasyong pangkalakalan para maiposisyon ang bansa bilang premyadong economic hub sa rehiyon.
Kinilala ng Speaker ang malakas na pamumuno ni Pangulong Marcos na inilatag ang roadmap para makasunod sa FATF action plan sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 33 na inilabas noong 2023.
Tiniyak ni Speaker Romualdez na patuloy ang Kamara sa pagbabantay ng integridad ng pananalapi at siaiguruhin na hindi na mapapasama muli ang Pilipinas sa greylist at lahat ng reporma sa lehislarura ay susuporta aa katatagan ng ekonomiya at panglahatang pag unlad.