-- Advertisements --

Pagkakadakip sa mga suspek sa Degamo assassination at pagpatay sa halos 50 na mga rebelde sa loob ng isang taon, ibinida bilang major milestones ng Philippine Army 3rd ID kasabay ng founding anniversary

Ipinagmalaki ng 3rd Infantry Spearhead Division ng Philippine Army ang kontribusyon nito sa pagkakadakip ng mga suspek na pumatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso ngayong taon.

Ayon kay Major General Marion Sison, commander ng 3rd Infantry Spearhead Division ng Philippine Army, ito ang maituturing na major milestone ng Philippine Army at nakatulong ito upang maibalik ang katahimikan sa naturang probinsya.

Sa 49th Founding Anniversary ng 3rd Infantry Spearhead Division sa Camp Peralta Jr., sa Jamindan, Capiz, ibinida rin ng Philippine Army na napatay nito ang 49 na mga kasapi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army Terrorists sa loob lamang ng isang taon.

Maliban dito, malaking tagumpay rin ang 149 na mga rebel surrenderees at ang 13 iba pang rebelde na nadakip kasabay ng sagupaan kung saan anim dito ang maituturing na major engagements.

Sinabi rin nito na umaasa ang Philippine Army na babalik ang tiwala ng mga tao sa gobyerno pagdating sa kanilang seguridad.