Iniimbestigahan na umano ang alegasyong nagagamit ang mga Philippine offshore gaming operations (POGO) para sa intelligence gathering ng China.
Sa harap ito ng pahayag ni Sen. Richard Gordon na nagagamit na ang POGOs para makapag-espisya ang China.
Kasunod na rin ito pagkakahuli sa dalawang Chinese sa isang shooting incident sa Makati City kung saan nakuha umano sa kanila ang IDs na mistulang nagpapahiwatig na mga miyembro sila ng People’s Liberation Army ng China.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinisilip na ng gobyerno ang nasabing alegasyon.
Ayon kay Sec. Panelo, ikinababahala rin nila ang ganitong mga uri ng impormasyon.
Kaugnay naman sa naganap na shooting incident sa Makati City kung saan naaresto ang dalawang Chinese na nakuhanan ng umano’y IDs ng Philippine Liberation Army, inihayag ni Sec. Panelo, iniimbestigahan na rin ito ng gobyerno at pananagutin sa batas ang sino mang may paglabag.