-- Advertisements --

Hinikayat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na ipagdiwang ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit para sa mas matatag at maalagang Pilipinas.

Ayon kay Speaker Romualdez ang bawat kandilang sinisindihan at dasal na iniaalay ay paraan ng pag-alala sa mga sumakabilang buhay na nag-iwan ng bakas at ambag sa lipunan. 

“Each candle we light, every prayer we offer, is a tribute to lives that have left a lasting mark on our hearts,” wika ni Speaker Romualdez.

Hinimok niya ang lahat na ipagpatuloy ang iniwang pamana ng mga sumakabilang buhay sa pamamagitan ng kabutihan at pagkakaisa.

Bilang pagbibigay halaga sa mga araw na ito, hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino na gawing inspirasyon ang paggunitang ito upang tatahakin ang kinabukasan.

“As we come together on this sacred occasion of All Saints’ Day and All Souls’ Day, let us pause to honor the saints and the loved ones who have touched our lives, those whose spirit and memory continue to inspire us long after they have gone. These days remind us that while they may no longer be with us, their values, love, and courage remain, guiding us forward,” pahayag ni Speaker Romualdez.