-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nakilala na ang 10 mga rebelde na napatay sa engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na ang 10 mga rebelde ay pawang myembro ng Sentro de Grabidad (SDG) Platoon at ang nagclaim ng ilang mga bangkay ay ang kanilang mga ina at asawa.

Ayon kay Pancito, sa 10 na mga rebelde, anim sa kanila ay nailibing na samantalang ang apat na mga bangkay ay dinala pauwi ng kanilang pamilya.

Matandaan na hindi bababa sa 20 ang mga recoveries kabilang na ang mga high-powered firearms na narekober sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion at nasa 40 mga myembro ng New People’s Army (NPA).