-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Inaalam pa rin hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan ng isang babae na patay sa pamamaril sa Brgy Poblacion Sur sa bayan ng Sison, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Maj. Alfredo Padilla Jr., officer-in-charge ng Sison PNP, wala silang anumang nakitang pagkakakilanlan ng biktima na nasa 16 hanggang 19-anyos.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan na naisugod pa sa pagamutan upang malapatan ng lunas ngunit ideneklarang dead on arrival.

Dahil dito hinihiling nila ang pakikipagtulungan ng ibat ibang police station sa lalawigan para malaman ang pagkakakilanlan ng naturang biktima.