-- Advertisements --

Malaking palaisipan ngayon sa pulisya sa bayan ng Los Banos, Laguna ang natagpuang pira-pirasong katawan at ulo ng isang hindi pa natutukoy na lalaki sa Jamboree Site sa bahagi ng Barangay Batong Malake.

Sa paglalarawan ng pulisya, may tattoo ang biktima sa likod na Chinese character.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang chop-chop na katawan kahapon ng umaga habang nakasilid sa tatlong kulay itim na plastic bag na nababalutan ng duck tape.

Umaasa naman ang PNP na madaling matutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil maging ang pinugot na ulo nito ay iniwan sa plastic bag.

Nananatili naman umanong intact ang ulo at posibleng Chinese national ang biktima.

Naniniwala ang mga imbestigador na sa ibang lugar pinaslang ang biktima at itinapon lang ang pinira-prasong katawan sa lugar.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Los Banos Police upang malaman ang nasa likod ng krimen.