-- Advertisements --
Binatikos ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Nakasaad sa Section 6 Article 9-B ng 1987 Constitution ayon kay Gaite na walang kandidato na natalo sa loob ng isang taon matapos ganapin ang halalan ay maaring makaupo sa puwesto sa anumang tanggapan ng pamahalaan.
Maging ang Local Government Code Section 94 ay nagsasabi na walang sinumang kandidato na natalo sa nagdaang halalan ang maaring maitalaga sa puwesto sa anumang pampublikong tanggapan.
Ang mga batas na ito ay applicable aniya sa kahit sinuman, kaya si Uson bilang first nominee ng AA Kasosyo partylist, ay malinaw na iligal at hindi dapat pilitin.