Pinagtibay na ng House Representatives Electorial Tribunal (HRET) ang pagkapanalo ni outgoing Northern Samar 1st District Rep. Raul Daza sa 2016 congressional election.
Sa kanilang unanimous decision, ibinasura ng HRET ang protesta ni dating Northern Samar Cong. Harlin Abayon at pinagtibay ang pagkakapanalo ni Daza sa pamamagitan ng 47 votes.
Nabatid na nakakuha ng 80,157 votes si Daza noong May 2016 congressional election habang si Abayon naman ay may 80,110 na boto.
Sa isang statement, nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Daza, 82, sa HRET dahil nagawa pa rin nitong magbaba ng desisyon bago pa man matapos ang kanyang termino sa darating na Hunyo 30, 2019.
“I’m glad that the shadow cast by the protest over my 2016 victory has finally vanished,†ani Daza kung saan dati niyang protege sa politika si Abayon.
Nitong nakalipas na May 13 elections ang anak ni Daza na si Paul ang nanalo sa ikalawang distrito ng Northern Samar.