-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Proud ang Filipino Community sa Estados Unidos sa pagkakapanalo ni newly crowned Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa prestihiyong pageant.

Ayon kan Bombo International Correspondent Greg Aguilar, gumawa ng kasaysayan si Gabriel sa Estados Unidos sa pag-qualify nito sa Miss America bilang representative ng Texas.
Nabatid kasi na bibiira at hirap makapasok ang mga Asian-American sa mga beauty pageants sa Amerika.

Sa pamamagitan ng pagkakasungkit ng korona ay tila pinakalas din umano ng beauty queen ang boses ng mga kapwa Filipino-American sa Amerika.

Ayon pa kay Aguilar na kahit pa hindi pinalad na makapasok sa top 16 si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi ay tila panalo pa rin umano ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng dugong Pinay ni R’Bonney.

Samantala, excited umano ang lahat para sa inihahandang homecoming ni Gabriel sa Texas habang inaasahan naman na iimbitahan ito na magtungo sa White House bilang bahagi ng kultura ng American government para sa mga nagdadala ng karangalan sa bansa.