-- Advertisements --

Makasaysayan kung ituring ng ilang kongresista ang pagkakapasa ng Human Rights Defenders (HRD) Bill sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara nitong araw ng Lunes.

Ikinatuwa nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate at Albay Rep. Edcel Lagman ang pagkakapasa ng House Bill 9199 sa botong 183-0 matapos ang ilang taong pagsusulong nito.

Ayon kay Zarate, ngayong tumataas ang bilang ng kaso ng extra judicial killings at harassment sa mga aktibista sa bansa, hindi na maaring isabalewala ang aniya’y katibayan na ito ng “deteriorating” state ng karapatang pantao sa bansa.

Iginiit naman ni Lagman na ginagarantiya ng panukalang batas na ito ang karapatan ng mga HRD.

Itinatakda rin daw nito ang mandato para sa mga state at public authorities na igalang, protektahan at tugunan ang karapatan at kalayaan ng HRD; at pagpataw ng karampatang parusa para labanan ang impunity.

Umaasa ang mga kongresistang ito na maaprubahan din ng Senado ang counterpart bill nito bago pa man mag-adjourn ang session ng Kongreso.