-- Advertisements --
Rep Alfred Vargas
Rep. Alfred Vargas/ IG post

Kumpiyansa si Quezon City Rep. Alfred Vargas na maaaprubahan agad ang panukala na kanyang inihain na naglalayong makapagtatag ng Department of Disaster Preparedness and Emergency Management (DReAM).

“We’d like to invoke Section 48 and 52 of the House rules na kapag pumasa na siya on third reading, siguro by the vote of the majority ay pwede na talagang ma-fast track ito,” ani Vargas.

Maari aniya na talagang mapabilis ang House Bill 2001 o ang proposed “Disaster Resiliency and Alertness Management (DReAM) Department Act of 2019” dahil naka-certify as urgent naman ito ng Senado at Kamara.

May kaparehas na panukala ang nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara noong 17th Congress, subalit tinulugan naman ng Senado.

Sinabi ni Vargas na sa dami ng kalamidad na nararanasan ng bansa, marapat lamang na ipasa ang kanyang panukala na naglalayong i-synchronize ang disaster resiliency at response efforts ng pamahalaan.