Ibinigay lamang ng militar kung ano ang hiling ng mga natitirang Maute stragglers at ito ay ang kanilang kamatayan.
Ayon kay Philippine Army chief Lt Gen. Rolando Joselito Bautista, binigyan nila ng pagkakataon ang mga nasabing terorista na sumuko na lamang sa mga otoridad pero nanindigan daw na tuloy ang laban.
“We gave them what they wished for even if we tried our best to convince them to surrender,” mensahe pa ni Bautista.
Napatay sa pinakahuling labanan ang nasa 30 hanggang 40 na terorista na nagtatago sa isang gusali sa main battle area.
Sa ngayon nasa retrieval operations na ang mga tropa para marekober ang mga bangkay.
Pinaniniwalaang kabilang sa napatay ang dalawang banyagang terorista at ang tatlong anak ng napatay na ring si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Samantala, ayon naman kay Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, tuloy ang kanilang clearing operations sa war zone.