-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ipapatupad na ni Civil Aviation Authority of the Philippines o Director-General Manuel Antonio Tamayo sa lahat ng mga paliparan sa buong bansa ang pagkakaroon ng K-9 units bilang dagdag-seguridad sa mga papasok at lalabas ng airport.

Ito’y matapos nitong masaksihan kahapon ang mga K-9 dogs ng Bancasi airport nitong lungsod na bukod-tangi sa buong bansa nang pangunahan nito ang inagurasyon ng pinalawak pang terminal building ng paliparan kasama ang iilang matataas na opisyal ng Department of Transportation o DOTr at ng kanilang ahensya.

Ayon kay Director-General Tamayo, may malaking potensyal ang Butuan City na maging isang major gateway hindi lang sa Caraga Region kundi pati na sa buong Mindanao dahil sa lapad na ng airport na maka-cater ng tatlong airbuses.

Target din ng opisyal na gagawin itong model airport sa ire-repair pang mga airports ng CAAP lalo na sa malinis na paligid pati na ang magandang seguridad dahil sa inilagay na mga CCTV cameras.