-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na posible umanong magkaroon ang isang tao ng dalawang variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos matuklasan ng mga researchers sa southern Brazil na ilang pasyente ang may taglay na dalawang magkaibang variant ng coronavirus.

Paglalahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na noong nag-usap ang Inter-Agency Task Force ukol sa COVID-19 variants ilang linggo na ang nakalilipas, nabanggit ng mga eksperto na may tsansa na magkaroon ng dalawang klaseng variant sa isang tao.

Gayunman, sinabi nito na wala pang nade-detect na ganitong kaso sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, nasa 17 ang naitalang kaso ng UK variant sa bansa.