GENERAL SANTOS CITY- Mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng pangmatagalang solusyon sa epekto ng El Niño phenomenon.
Kasabay ng inauguration ng bagong building ng Office of Civil Defense Region XII, sinabi ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ito ang naging utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Sinabi nito na halos taon-taon ay makararanas tayo ng matinding init at ang gobyerno ay laging nakahanda sa mga tulong na ibibigay sa mga apektadong sektor. Sa kasalukuyan, mahigit P2Billion ang halaga ng tulong ng gobyerno sa mga direktang apektado ng tagtuyot.
Ibinunyag ni Usec. Nepomuceno, ito ay pananagutan ng gobyerno, ngunit hindi lamang ito dapat gawin, ngunit dapat din itong maghanap ng mga paraan upang makakuha ng pangmatagalang solusyon sa problema.
Kabilang sa plano ng gobyerno ay ang pagkakaroon ng malalaking dam sa ibat-ibang bahagi ng bansa, habang inirekomenda rin ng Department of Agriculture na bigyan ang mga magsasaka ng iba’t ibang uri ng binhi ng gulay at iba pang tanim na maaaring mabuhay sa matinding init ng panahon.