-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dumalo upang magbigay ng kanyang mensahe sa isinagawang Multi-Sectoral Consultation-Meeting on the Development of Port General Santos si Regional Development Council (RDC) XII Chairperson at Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ginanap sa General Santos City.

Sa kanyang mensahe binigyang diin ni Mendoza, na ang pagkakaroon magandang daungan sa General Santos City ay magbubukas ng oportunidad hindi lamang sa siyudad kundi sa buong rehiyon XII.

Hinikayat din nito ang miyembro ng RDC XII, iba’t ibang ahensya at stakeholders na magtulungan upang maayos na maipatupad ang mga programa para na rin sa ikabubuti at ikauunlad ng mamamayan ng SOCCKSARGEN.

“Our presence here today signifies our commitment and support in advancing the competitiveness of the region by maximizing its potentials,” wika pa ni Governor Mendoza.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong si League of Provinces of the Philippines (LPP) National president at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr., National Economic Development Authority XII Regional Director Teresita Socorro Ramos, InfraCom XII Chairperson Raymund Salangsang, DBM Regional Director XII Akmad Usman, DSWD XII Regional Director Loreto Cabaya Jr. at iba pang stakeholders.