-- Advertisements --

Maaari pa ring magmay-ari ng maraming simcards ang isang indibidwal.

Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kaugnay ng ipatutupad na bagong Simcard Registration Act.

Aminado si Uy na may mga lugar na walang signal o mahina ang signal ng isang telecommunication company kaya yung may malakas na signal na sim card ang siyang ginagamit.

Kaya maaari aniyang magkaroon ng maraming simcard ang isang indibidwal basta ang lahat ng ito ay nakarehistro sa kaniyang pangalan.

Sinabi ni Uy na wala namang nakasaad sa batas na bawal magkaroon ng maraming simcard ang isang indibidwal, basta ito ay kilala o rehistrado at hindi ginagamit sa iligal na gawain.